1. White Cement - ito ay magandang haluan ng mga pangkulay bago ipalitada sa pader para hindi na kailangang pinturahan.Maaari rin gamiting pangkulay ang iron oxide powder o kaya ang pinaka-madali ay ang mga grout na may kulay na,kahit maukit ang pader ninyo ay may kulay pa rin ang semento di gaya ng pininturahang semento.
2. Grout- Ito ay isa sa magandang product na magagamit natin ngayon sa semento,hindi na ito ginagamit lang sa paglalagay ng tiles,magagamit narin natin ito upang ipangkulay sa kulay ng semento na gusto natin.
3. Concrete Sealer - ito ay gagamitin natin upang ang semento ay hindi na pasukin ng tubig at maiwasan ang pagkasira ng ibabaw ng semento,gamitin ito pagkatapos ng 30 araw na edad ng palitada o buhos.
4. Water Proofing Addmix: - ihalo ito sa semento upang hindi pasukin ng tubig ang inyong semento o palitada,maaaring gamitin ang liquid o powder na mabibili sa mga hardware.
5. Fiber Cement Mix : - ginagamit ito upang maging matibay ang inyong semento o palitada at maiwasan ang maliliit na crack.
6. Plastering Addmix : - gumamit nito upang maging makapit ang inyong palitada sa dati nang tumigas na concrete.
7. Diamond Wire Screen : gumamit nito upang siguradong matibay at makapit ang inyong palitada sa pader,gumamit ng 1 pulgada ang butas ng screen.
My Home Repair
Ecclesiastes 10:18 " Kung pabaya ang may-ari, ang bubong ay masisira; kung siya ay tamad, mawawasak ang buong bahay."
Hanapan ang Blog na Ito
Huwebes, Oktubre 20, 2011
Lunes, Oktubre 17, 2011
CONCRETE IMPROVEMENT
Paano Magiging Matibay at Hindi Nababasa ang Palitada ?
1. Kailangan ay purong cemento ang gamitin sa pagpapalitada.
2. Gumamit ng mga addmix gaya ng fiber cement mix,plastering addmix(liquid o powder),waterproofing addmix(liquid o powder).Ang mga ito ay hindi dapat mawala kung gusto ninyong maging matibay ang palitada.
3. Gumamit ng concrete sealer bago gumamit ng pintura o kaya naman pwede na ang concrete sealer kung may sarili nang kulay na nilagay sa semento.
Mga Benepisyo: a.) Maiiwasan ang crack ng palitada kumpara sa purong semento lang ang ginamit
b.) Hindi Papasukin ng tubig ang loob ng concrete
PAANO MAGLAGAY NG TILES NA GAMIT NA ?
Ito ay isang halimbawa kung pano maglagay ng tiles na putol-putol.
1. Ihanay muna ang mga tiles na putol-putol sa floor na paglalagyan mo.
2. Tignan muna kung ano ang ayos na gusto mo na magiging resulta.
3. Kung tumama na sa gusto mo ang pagkakahanay ng mga tiles ay pwede ka na mag-simula.
4. Maghalo ng semento na gagamitin bilang pandikit ng tiles,lagyan ng plastering mix at waterproofing powder upang maging matibay ang pandikit mo ng tiles.
5. Gumamit ng trowel na may mga ngipin na pampahid ng palitada.
6. Lagyan ng palitada ang ilalim ng tiles na ididikit.
7. Idikit ng pantay ang tiles at dahan dahang diinan o kaya ay pukpukin ng kapirasong kahoy.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)