Hanapan ang Blog na Ito

Huwebes, Oktubre 20, 2011

MGA RECOMMENDED PRODUCTS PARA SA MATIBAY AT MAGANDANG CONCRETE

1. White Cement - ito ay magandang haluan ng mga pangkulay bago ipalitada sa pader para hindi na kailangang pinturahan.Maaari rin gamiting pangkulay ang iron oxide powder o kaya ang pinaka-madali ay ang mga grout na may kulay na,kahit maukit ang pader ninyo ay may kulay pa rin ang semento di gaya ng pininturahang semento.

2. Grout- Ito ay isa sa magandang product na magagamit natin ngayon sa semento,hindi na ito ginagamit lang sa paglalagay ng tiles,magagamit narin natin ito upang ipangkulay sa kulay ng semento na gusto natin.

3. Concrete Sealer - ito ay gagamitin natin upang ang semento ay hindi na pasukin ng tubig at maiwasan ang pagkasira ng ibabaw ng semento,gamitin ito pagkatapos ng 30 araw na edad ng palitada o buhos.

4. Water Proofing Addmix:  - ihalo ito sa semento upang hindi pasukin ng tubig ang inyong semento o palitada,maaaring gamitin ang liquid o powder na mabibili sa mga hardware.

5. Fiber Cement Mix : - ginagamit ito upang maging matibay ang inyong semento o palitada at maiwasan ang maliliit na crack.

6. Plastering Addmix : - gumamit nito upang maging makapit ang inyong palitada sa dati nang tumigas na concrete.

7. Diamond Wire Screen : gumamit nito upang siguradong matibay at makapit ang inyong palitada sa pader,gumamit ng 1 pulgada ang butas ng screen.

4 (na) komento:

  1. paano po kung ngcrack po agad ang bagong palitadang pader

    TumugonBurahin
  2. think about landscaping to improve your home http://www.lightingdoctor.ca/

    TumugonBurahin
  3. Ano po ang maaaring gawin kng ang sahig mo ay may lumalabas na tubig mula sa labas ng bahay?

    TumugonBurahin
  4. Very nice article. I enjoyed reading your post. very nice share. I want to twit this to my followers. Thanks !. If you need then visit us! and thanks again for the post.
    Home improvement,

    TumugonBurahin